ANG IMPERYONG KALAKALAN
Ito ay ang pangunahing gawain na bumubuhay sa mga imperyo sa Africa. Sa pamamagitan ng pakikipagkalakalan, lumango ang mga pamayanan sa Africa na naging mga imperyo. ito din ang paraan upang ikalat ang relihiyon, sining, edukasyon, at pamahalaan mula sa ibang lugar.
GHANA
Ang mga mamamayan ng Ghana ay tinatawag na Soninke. Ang pangunahing ikinabuhay ng mga Soninke ay pagsasaka, at pagpapanday.Lumango ang imperyo dahil sa lokasyon nito bilang bilang isang sangandaan ng kalakalan ng Africa. Nakamit ng Ghana ang rurok ng kanilang kapangyarihan. Nagtayo sila ng dalawang imperyo ng dalawang kabisera, ang Kumbi Saleh at El Ghaba.
Mali
Ang unang mansa o emperador ng Mali ay si Sundiata. Sa pamamagitan ng digmaan ,nasakop niya ang kaharian ng Ghana at mga lungsod ng Kumbi at Walat. Pinatunayan niya na hindi lng sa digmaan siya mahusay, kundi pati narin sa pamamahala. Isa pa sa mga kinikilalang pinakadakilang pinuno ng Mali ay si Mansa Musa.
SONGHAI
Isang pangkat ng mga tao ang humiwalay sa imperyo ng Mali. Sila ang mga Songhai na bumuo ng isang hukbo, nagpalawak ng teritoryo, at mula sa kabisera ng Gao ay pinamahalaan ang mga rutang pangkalakalan. isa pang natatanging pinuno ng Songhai ay si Sunni Ali.