Monday, July 28, 2014

KABIHASNAN SA INDIA










HEOGRAPIYA

Ang Indiya ay isang subkontinenteng matatagpuan sa Timog Asya.  Ito'y napahiwalay sa kabuuang Asya dahil sa Bulubundukin ng Himalayas at sa Talampas ng Tibet.

Unang Kabihasnan

Noong 2500 B.K nagsimula ang unang kabihasnan ng India sa Lambak ng Ilog Indus. May kaalaman na sa arkitektura ang mga tao sa Harappa at Mohenjo-Daro. at nakahukay sila upuan na pinapalibutan ng abaloryo.  Sabi sa mga archeoloheyo, ang paglusob daw ng mga Aryan sa dalawang lungsod ay isa ring positibong dahilan ng pagkawala ng Kabihasnang Indus. Matatagpuan ang mga labi ng taong hindi nakalibing sa mga guho ng dalawang kabihasnan.May mga Imperyong umusbong dito ito ay ang mga

  • Imperyong Maurya 
  • Imperyong Mogul  


IMPERYONG MAURYA



  Noong 321 BCE, kinikilala ng Magadha si Chandragupta Maurya. Sa ilalim ng kaniyang pamumuno, pinalaki niya ang sakop ng kaharian at tinatatag ang Imperyong Maurya. 
Noong 301 BCE humalili sa tono ni Chandragupta ang kaniyang anak na si Bindusara . Sa loob ng 32 taon nanatili ni Bindusara ang katatagan ng imperyo. Sa simula ng pamamahala ng Asoka, ipinagpatuloy niya ang paglawak ng teritoryo. Upang malaman ng buong imperyoang mga bagong patakaran ni  Asoka, nagpatayo siya ng malaking haligi kung saan nakaukit ang kanyang mga kautusan. nagkaroon ng patas na pag trato, maayos na kalsada nag karoon din ng patubigan sa gilid ng kalsada sa tulong ni Asoka. Sa pagpanaw ni Aska 232 BCE,pawang mahihina ang mga sumusunod na harina humahantong sa tuluyang pagkawatak-watak ng imperyo.

IMPERYONG MOGUL

Ang tinawag sa muslim na imperyo na ito ay Imperyong Mughal. Sa pamumuno ni Dakilang Akbar, naging balanse ang pag-tuturing sa mga Hindu at Muslim.Pinalawak ng mga emperador ang nasasakupan ng imperyo. Bumagsak ang imperyong ito dahil sa pag-alsa ng mga militanteng Hindu, ang Maratha. Dahil sa gulo na nangyari, madaling nasakop ng mga Europeo ang subcontinent.

No comments:

Post a Comment