Thursday, July 31, 2014

IBA PANG KABIHASNAN SA ASYA

HITITO

Nagsimula ito sa mga damuhan ng Gitnang Asya ang mga Hitito. Nabuo ang imperyong Hitito at tinatag nila ang kabisera ang ng Hattusass. Dalawa ang susi sa tagumpay sa digmaan ng mga Hitito.una na rito ay ang paggamit nila ng mabibilis na chariot at ang ikalawa ay ang kanilang kaalaman sa pagpapanday ng bakal upang gawing pana,palaso,palakol, at espada. Hindi lahat ng kanilang mga hiniram ay tinanggap nila nang buong-buo. isinaayos nila ang mga ito batay sa kanilang mga batas sa kodigo ni Hammurabi.

ANG MGA PHOENICIANO

Ang phoneciano ay kabilang sa pangkat ng lahing Semitiko, ay nanahan sa maunland na lungsod-estado sa may baybayin ng Dagat Mediteraneo. Mahuhusay silang mangagawa ng barko,manlalayag, at mangangalakal na nagtatag ng mga estratehikong lungsod. Kung ihahambing sa mga haring mandirigma ng ibang mga kabihasnan, ang mga pinuno ng  mga lungod ng mga Phoeniciano ay mga haring mangalakal. Nakikipagpalitan din sila ng mga alipin.


ANG MGA PERSYANO

Nagmula ang makapangyarihang imperyo ng Persia sa malawak na talampas ng ksalukuyang Iran.Sa ilalim ni Cyrus the great,lumawak ang imperyo ng Persia mula sa lambak-ilog ng Idus hanggang sa baybayin ng Dagat Aegean. Itinuring na isa ang imperyong Persyano sa pinakamalaking imperyo noong panahon iyon sapagkat nagawa nilang mapalawak ang kanilang teritoryo na umabot sa tatlong kontinente.










No comments:

Post a Comment