HEOGRAPIYA
Sa lambak pagitan ng mga ilog ng Huang Ho at Yangtze sumibol ang mga unang pamayanan sa China. ang hangganan ng lambak sa hilaga ay ang disyerto ng Gobi at sa silangan naman ay ang karagatang pasipiko. Ang mga kabundukan ng Tien Shan at Himalaya ang nasa kanluran ng lambak at sa katimugan naman ay ang kugubatan ng Timog-Silangang Asya.
MGA UNANG DINASTIYA
- Dinastiyang Hsia pinag-isa ang mga pamayanan sa paligid ng Huang Ho. Sa pamumuno ni Shang ngasagaw sila ng paghadlang sa paminsalang pagbaha ng ilog.
- Dinastiyang Shang hinati sa dalawa ang lipunan sa panahon ng dinastiyang ang Shang. ang unang pangkatay ang Maharlika at Mandirigma. Nabubuhay sila sa palasyo at nakaranas sila ng marangya na buhay.
- Dinastiyang Zhou napatalsik ng mga Zhou ang dinastiyang Shang.bilang pagpapatibay ng kanilang pamamahala, ipinapatuloy nila ang kanilang konsepto ng TIAN MING"mandato ng langit" na ang hari kanikilalang kinatawan ng langit sa mundo.
- Dinastiyan Quin Ang pinakamahalagang naiambag ng dinastiyang Chin ay ang pagpapatayo ng Great Wall of China. Sila rin ang nag establish ng "better system of writing" at nag standardize sa currency, weights at measures sa Tsina.
MGA PILOSOPIYANG LUMITAW SA HULONG DALAWANG DINASTIYANG
Tatlong pilosopiya ang nabuo sa China sa mahaba nitong kasaysayan. Ito ay ang Confucianismo , Taoismo, at Legalismo.
Confucianismo
Ang Confucianismo ay hindi lamang isang relihiyon kundi isang rin itong sistemang pilosopikal na naglalayong gabayan ang mga tao sa tamang pamumuhay at pakikipag-ugnayan sa kapwa. Si Confucius ay pinaganak noong 551 BCE . Maipakikita ang JEN sa pagsasaayos ng limang ugnayan sa kapuwa na dapat tuparin ng mga Tsino upang magkaroon ng kaayusan, kapayapaan, at mabuting pamamahala.
Limang Uri ng Pakikipag-ugnayan sa Lipunan:
1. Ugnayan sa pagitan ng ama at anak.
2. Ugnayan sng mag-asawa.
3. Ugnayan ng nakatatandang kapatid at nakababatang kapatid.
4. Ugnayan ng magkaibigan.
5. Ugnayan ng pinuno at tagasunod.
Ang unang tatlo sa mga ugnayang pinahalagaan ay patungkol sa pamilya. Naniwala rin si Confuios na ang edukasyon ay susi upang ang isang karaniwang tao ay maging maginoo.Ito rin ay ay nagbigay-daan sa pagkakalikha ng burukrasya sa pamamahalaan.
TAOISMO
Isa pang pilosopiya na sumibol sa China ay ang Taoismo. Itinuro ito ng pilosopong si Lao Tzu, naniwal siya na ang pinakamahalagang gawain upang makamit ang kaayusan at kapayapaan ay ang pagpapaubaya sa natural na takbo ng kalikasan. Dahil sa lubos na pinahahalagahan ng mga Taoist na makamit ang pagkikisa sa kalikasan, sinusunod din nila ang feng shui. Ito ay isang sistema ng pagsasaayos sa lupain at tahanan. Ang epekto nito sa tao ay kaayusan sa pamumuhay, mabuting kalusugan, at payanpang isipan.
LEGALISMO
Sina Hanfeizi at Li su ay dalaw sa mga nagsulong ng pilosopiyang Legalismo. Ayon sa pilosopiyang ito, ang isang malakas at mahusay na pamahalaan ang susi sa pagpapanatili ng kaayusan. Kailangan ng isang pamahalaan ang mga batas upang wakasan ang kaguluhan at magdala ng kaayusan. sa ilalim ng prinsipyong "ang pinuno ang namamahala at ang tao ay sumusunod", tungkulin ng pinuno na paghimasukan ang kaisipa at kilos ng kaniyang mga mamayanan.Tuluyan ng bumagsak ang dinastiyang Zhou at hindi nagtagal ay sinakop ng imperyo ng Qin ang mga estado nito.
No comments:
Post a Comment