Monday, July 28, 2014

KABIHASNAN NG EGYPT


LOKASYON AT HEOGRAPIYA


Ang lokasyon ng Egypt ay napapalibutan ng mga disyerto. Sa silangan matatgpuan ang Disyerto ng Sinai, at sa timog naman ay Disyerto ng  Nubia, sa kanluran namn ay ang Disyerto ng Sahara. sa gitna dumadaloy ang Ilog Nile, nag silbing itong patubig at tagapagdala ng silt na pampataba sa kanilang mga pananim. Biyayang hatid ng Ilog NIle ay nag dala ito ng pag-unlad sa egypt kaya tinatawag itong "handog Nile". Pero, nakakaranas din sila ng taggutom, kung hindi sapat ang 
pag-apaw ng Ilog Nile ito naman ay nagdudulot ng pagkasira ng mga panananim at kabuhayan kung labis ang pagkabaha.

SIMULA NG KABIHASNAN NG EGYPT


Sa simula, nahati ang Egypt sa dalawag kaharian. Nabuklod ang dalawang kaharian dahil sa pumumuno ni Menes noong  3100 BCE. Itinatatag ni Menes ang kabisera  sa Mephis at itinaguyod ng unang dinastiya sa Egypt. Hinati ng mga Historyador ang mga kaharian sa tatlo LUMANG KAHARIAN, GITNANG KAHARIAN, BAGONG KAHARIAN.

LUMANG KAHARIAN

Sa panahong ito nagsimulang tawagin na paraon ang pinuno ng kaharian. Tinawag ding "Panahon ng Piramide" ang lumang kaharian. dahil sa panahon nito nagsimula ang mga paraon magpatayo ng mga libingan na hugis piramide. Ang mga piramide ay patunay ng katagan ng pamahala ng mga paraon ay husay ng kanilang kabihasnan. Nagwakas ang Lumang kaharian dulot ng magkaugnay na suliranin tulad ng kakulangan ng pagkain dahil sa tagtuyot, mahagastos na halaga sa pagtayo ng piramide, at ang agawan sa kapangyarihan ng mga maharlika na humantong sa pagkahati ng Egypt sa maliit na kaharian.

GITNANG KAHARIAN

Sa panahong ito ay muling pinalakas ng mga paraon ang sentralisadong pamahala gayundin ang kalakalan ng ibang mga lupain.pero ang panahong ito ay pinakilos ng mga maharlika kaya namn kilala rin itong sa katawagang "Panahon ng mga Maharlika"
Kalaunan , sa silangang bahagi ng Egypt ay may mga naitayong pamayanang Hykosos. Unting-unti, lumakas ang kapangyarihan ng mga hykos hanggang sa madaig na rin nila ang mga paraon.

 BAGONG KAHARIAN 

Sa  panahong ito tinaguriang "Panahon ng impyerno" ang pamunuan ng mga paraon. Si Reyna Hatsepshut na unang babaeng paraon na nagdala ng katahimikan at kaunlaran sa Egypt. Humalili sa kanya si Thutmose III. Nakipagdigma rin siya sa mga Hitito ng Syria at kalaunan ay nakipagkasundo sa kanila.

No comments:

Post a Comment