Thursday, July 31, 2014

KABIHSANAN SA AFRICA

ANG IMPERYONG KALAKALAN

Ito ay ang pangunahing gawain na bumubuhay sa mga imperyo sa Africa. Sa pamamagitan ng pakikipagkalakalan, lumango ang mga pamayanan sa Africa na naging mga imperyo. ito din ang paraan upang ikalat ang relihiyon, sining, edukasyon, at pamahalaan mula sa ibang lugar.

GHANA

Ang mga mamamayan ng Ghana ay tinatawag na Soninke. Ang pangunahing ikinabuhay ng mga Soninke ay pagsasaka, at pagpapanday.Lumango ang imperyo dahil sa lokasyon nito bilang bilang isang sangandaan ng kalakalan ng Africa. Nakamit ng Ghana ang rurok ng kanilang kapangyarihan. Nagtayo sila ng dalawang imperyo ng dalawang kabisera, ang Kumbi Saleh at El Ghaba.

Mali

Ang unang mansa o emperador ng Mali ay si Sundiata. Sa pamamagitan ng digmaan ,nasakop niya ang kaharian ng Ghana at mga lungsod ng Kumbi at Walat. Pinatunayan niya na hindi lng sa digmaan siya mahusay, kundi pati narin sa pamamahala. Isa pa sa mga kinikilalang pinakadakilang pinuno ng Mali ay si Mansa Musa.

SONGHAI

Isang pangkat ng mga tao ang humiwalay sa imperyo ng Mali. Sila ang mga Songhai na bumuo ng isang hukbo, nagpalawak ng teritoryo, at mula sa kabisera ng Gao ay pinamahalaan ang mga rutang pangkalakalan. isa pang natatanging pinuno ng Songhai ay si Sunni Ali.

KABIHASNAN SA PASIPIKO

KULTURANG PASIPIKO

Ang rehiyon ng Ocenia ay matatgpuan sa karagatang Pasipiko. ito ay binubuo ng libo-libong pulo na tinitirahan ng mmga mamamayang nasanay sa kulturang pangkaragatan.

POLYNESIA

ito ay binubuo ng mahigit sanlibong pulo mula sa Gitnang Pasipiko hanggang sa New zealand.ito ay Galing sa salitang Griyego na polus na nanganggahulugang "marami" at nesos  na nangangahulugang "pulo". tulad ng mga Pilipino at Indones, kayumanggi din ang balat ng mga polynessian.

Micronesia

Ito ay bahagi ng Pasipiko na pinakamalapit sa Pilipinas. halaw ang pangalan nito sa mga katagang Griyego na mikros nangagahulugang "maliit at netros na nangangahulugang "mga pulo".

MELANESIA

Ang rehiyon ng Melanesia ay matatagpuan sa kanlurang Pasipiko. Halaw ang pangalan nito sa katagang Griyego na melas na ang ibig sabihin ay "maitim" at nesos na nanganghulugang "mga pulo".


KABIHASAN SA AMERICA




ANG SIBILISASYON NG INCA:


Ang inca ang isa sa mga may sinaunang kabihasnan sa latin amerika.  matatagpuan ang kanilang imperyo sa timog na bahagi ng bundok ng andes sa pinakahilagang hangganan sa ecuador. Naging kabisera nito ang cusco na sa kasalukuyan ay ang bansang peru.

Itinuturing na huaca o banal ng mga inca ang maraming bagay at lugar. kabilang dito ay ang mga mummies of the dead at ang mga bagay na may kaugnay dito: mga templo, banal at makasaysayang lugar, mga bukal, bato at mga kabundukan. Bawat tahanan ng mga inca ay may pinaglaanang lugar na para lamang sa mga bagay na maituturing nilang huaca sa kanilang pamilya.

ANG SIBILISASYON NG AZTEC:




Ang Aztec ang pinakamarahas na kabihasnan dahil sila ay nag-aalay ng buhay na tao para sa kanilang Diyos.
Ang kabihasnang Aztec ay umusbong sa Valley of Mexico.
Tenochtitlah - lungsod-capital; "an island in a lake"
Obsidian - batong galing sa bulkan
Chinampas- floating garden
Huey Hatoanni - Great Speaker; Ruler

Hernando Cortez - sumakop sa kabihasnang Aztec




 Ang mga Aztec ay mga nomadikong tribu na nagmula sa tuyong lupain ng hilaga at unti- unting tumungo patimog sa Valley of Mexico sa pagsapit ng ika-12 siglo C.E.

· Ang salitang Aztec ay nangangahulugang “isang nagmula sa Aztlan,” isang mitikong lugar sa hilagang Mexico.Ang ekonomiya ng Aztec ay nakabatay sa pagtatanim.






 


Ang mga Aztec, Aztek, o Astek at Asteka sa pagsasalin, ay mga tao na Katutubong Amerikano na nanirahan sa Mehiko. Ang Imperyong Aztec, Imperyong Astek, o Imperyong Asteka ay tumagal mula ika-14 hanggang ika-16 na daangtaon. Tinawag nila ang kanilang sarili bilang Mehikano o Nahua. 


IBA PANG KABIHASNAN SA ASYA

HITITO

Nagsimula ito sa mga damuhan ng Gitnang Asya ang mga Hitito. Nabuo ang imperyong Hitito at tinatag nila ang kabisera ang ng Hattusass. Dalawa ang susi sa tagumpay sa digmaan ng mga Hitito.una na rito ay ang paggamit nila ng mabibilis na chariot at ang ikalawa ay ang kanilang kaalaman sa pagpapanday ng bakal upang gawing pana,palaso,palakol, at espada. Hindi lahat ng kanilang mga hiniram ay tinanggap nila nang buong-buo. isinaayos nila ang mga ito batay sa kanilang mga batas sa kodigo ni Hammurabi.

ANG MGA PHOENICIANO

Ang phoneciano ay kabilang sa pangkat ng lahing Semitiko, ay nanahan sa maunland na lungsod-estado sa may baybayin ng Dagat Mediteraneo. Mahuhusay silang mangagawa ng barko,manlalayag, at mangangalakal na nagtatag ng mga estratehikong lungsod. Kung ihahambing sa mga haring mandirigma ng ibang mga kabihasnan, ang mga pinuno ng  mga lungod ng mga Phoeniciano ay mga haring mangalakal. Nakikipagpalitan din sila ng mga alipin.


ANG MGA PERSYANO

Nagmula ang makapangyarihang imperyo ng Persia sa malawak na talampas ng ksalukuyang Iran.Sa ilalim ni Cyrus the great,lumawak ang imperyo ng Persia mula sa lambak-ilog ng Idus hanggang sa baybayin ng Dagat Aegean. Itinuring na isa ang imperyong Persyano sa pinakamalaking imperyo noong panahon iyon sapagkat nagawa nilang mapalawak ang kanilang teritoryo na umabot sa tatlong kontinente.